Araw ng Pasko




INTRODUCTION


Isang taon maraming pagbabago ang nangyayari. Pasko, Pasko ang celebrasyon na puno ng kulay at kasiyahan , ngunit sa likod ng storya ng buhay ng ibang tao marami ang nangyayari. Mga ngiti ng mga bata nagbibigay ngiti rin sa atin. Hindi lang itong celebrasyon na ito ay para sa mga bata kundi para sa lahat ng mga tao. Sa kabanatang ito tino-turuan tayong huwag maliitan ang mga maliit na bagay na nagbibigay sa atin ng kasiyahan. 




I. Mga Tauhan

 J U L I  

kasintahan ni Basilio na maagang gumising sa araw ng Pasko dahil siya ay magtratrabaho.

                                                                                               

         

HERMANA PENCHANG

isang mayamang babae na madasalin at siya ang pinaglilingkuran ni Juli.




TATA SELO

Lolo ni Juli











II. Maikling Buod

          Sa araw ng Pasko maagang gumising si Juli para manilbihan kay Hermana Penchang. Nang gabi nakaraan, si Juli ay umiiyak at nagdadasal na sana matapos ang kanyang problemang dinaanan subalit may dumating na sulat sa kanya na galing sa kanyang ama. Humihingi ito ng pera para pambayad sa mga prayle. Sa araw din na ito, malungkot si Tata Selo dahil sa dinarasan ng apo na si Juli. Dahil sa mga nangyayari sa buhay ni Juli at sa kanyang pamilya inalala nalang niya ang pangako ni Basilio sa kanilang magiging magandang buhay. Sa huli ay dahil walang mabigay si Tata Selo sa kanyang mga kamag-anak binati nalang niya ito ng "Maligayang Pasko".

III. Pagsusuring Pangangailangan

 A. Lugar at Panahon
Nangayari ito sa bahay nila Juli sa araw ng Pasko. Hindi naging maligaya at maganda ang kanilang celebrasyon sa araw ng Pasko dahil sa problema na dinaraanan ng kanilang  pamilya.


B. Suliranin
Sa araw ng Pasko si Juli ay malungkot at problemado hindi katulad ng mga bata na masaya sa araw na ito dahil wala silang pera at kailangan niyang magtrabaho para maging  malaya na ang kanyang ama sa mga tulisan at para narin sa celebrasyon ng Pasko ng kanilang pamilya.


 C. Isyung Panlipunan
 a. Pagkakapos ng Pera o Pangangailangan (Poverty) - hindi naging maligaya ang Pasko ng iba dahil malayo sila sa kanilang mga mahal sa buhay. Katulad ni Juli, sa kasalukuyan may mga tao rin  na sa araw ng Pasko ay wala sa kanilang tahanan o hindi kompleto ang pamilya dahil sila ay nagtratrabaho at kumakayod na buhayin ang kanilang pamilya. Lalo na ang ating mga kababayan na nag-iibang bansa. Hindi man si Juli isang OFW, pero sa araw ng Pasko ay nadurog ang kanyang puso dahil sa kanyang problemang hinaharap sa spesyal na araw na ito. Hindi man madali sa taong nakararanas nito sa kasalukuyan pero ginagawa nila ito dahil mahal nila nag kanilang pamilya.



IV. Aral

Sa kabanatang ito lagi nating tandaan na ang pamilya ay napakaimportante sa buhay natin. Kahit may mararanasan tayong mga problema sa araw ng Pasko o sa buhay patuloy parin tayong mamuhay at huwag mawalan ng pag-asa at inspirasyon. Si Juli ay isang modelo sa mga taong nagsasakripisiyo para lang mabigay ang pangangailangan ng pamilya kahit hindi madali sa kanya ay ginawa niya. Natutunan ko rin na hindi mali maging malungkot at gumawa ng sakripisyo dahil parte ito ng ating buhay. Kaya sa mga taong/ pamilyang kompleto ang pamilya tuwing Pasko lagi nating tandaan na magpasalamat tayo sa Diyos at gamitin ng maayos ang ito.





                 








Mga Komento